header image
 

Atheista Ka???

(Note: Written in Tagalog)

“To YOU I’m an atheist; to God, I’m the Loyal Opposition.”– Woody Allen

So, iniisip nyo suguro, bakit sa isang lugar na tinagurian na “The Only Christian Nation in Asia”, bakit may atheista?

“Yan ba ang “in” ngayon?”
“Ano ba ang atheism?”
” Kinakain ba yan?”

Suguro naman hanggang sa matapos mabasa ang article na ito ay nabigyan ko na ng linaw ang ibang mga simpleng katanungan tungkol sa atheism. Sino ba ang dapat panggalingan ng impormasyon tunkol dito? Syempre di yung atheista.

“Ano nga ba ang atheism?”

Napakasimple lang nito.
Ang prefix na “A ” sa salitang “atheism” ay nagsasaad na “not” o hindi at ang ibig sabihin naman ng “theism” ay naniniwala sa diyos o mga diyos. So! sa makatuwid, ang atheism ay naniniwala sa pinaniniwalaan ng isang theista. Isang taong hindi theista, o hindi naniniwala sa diyos o mga diyos.

“Oh my Gawd!!!! Ibig mong sabihin mga taong walang DIYOS?! May ganoon ba? Diba’t lahat tayo’y may diyos?”

Hindi po walang diyos, baka ang ibig mong sabihin ay di naniniwala na mayroong diyos. Wala pong god-concept.

Ang atheism ay hindi isang uri ng “fad”. Simula ng nagkaroon ng malayang kaisipan ang mga tao, nagsimula na rin tanunging kung makatwiran ba ang paniniwala sa isang diyos. Sa Rig-Vedas na isinulat noong 1000 BCE.

“Who knows for certain? Who shall here declare it? Whence was it born and whence came this creation? The gods were born after this world’s creation. Then, who can know from whence it has arisen? None know whence creation has arisen and whether he has or has not produced it. He who surveys it in the highest heaven, he only knows, or happily, he may know not”.

Ito marahil ang nakaimpluensya sa Buddhism, kaya’t naging isang atheistic religion ito. Sa makatuwid, ang isang atheista ay isang taong di naniniwala na ang diyos o mga diyos na eksistido.
May mga ibang atheista na di naniniwala sa lahat ng uri ng diyos, sila ay tinatawag na mga “polyatheist”. Ngunit may mga atheista na hindi naniniwala sa isang uri o particular na god-hypothesis.
Sa maniwala man kayo o hindi, ang mga Kristiano ay tinatawag na atheista ng mga Romano noong unang panahon dahil hindi naniniwala ang mga Kristiano sa mga diyos ng Romano.
Baruch de Spinoza (1632-1677), for example, defined God as being identical to Nature and as a substance with infinite attributes. Many Jews and Christians considered him an atheist because he rejected both the traditional Judeo-Christian deity and the belief in personal immortality. Thomas Hobbes (1588-1679) was also considered an atheist because he believed that all substances are material and that God must therefore be material. Yet, neither Spinoza nor Hobbes called themselves atheists.
Kung tutuusin nga, lahat po tayo ay ipinanganak na atheista.

“ANO!!!??? You must be joking!!”
Hind po. Ipapaliwanag ko. Nang ikaw ay lumabas sa iyong sinapupunan, wala ka pa pong konsepto ng Diyos. Papasok lang po ito kapag nakakaintindi ka na. Ituturo po ito ng iyong magulang. Halimbawa, kung ipinanganak ka sa isang Hindu country, natural na ang una mong pagkakakilala sa Diyos ay mukhang asul na elepante.”Baka naman galit lang kayo sa Diyos?”"Satanista ba kayo?”Ang mga tanong na kagaya nito ay galing sa kaisipan na matagal ng umukit sa isip ng mga mananampalataya.Dahil mula ng pagkabata ay umukit na sa isipan na mayroong isang Diyos, natural na maging radikal at di kaagad matanggap na may sasalungat sa ideya na ito.

Mababasa sa Holy Bible,
“The fool has said in his heart, ‘There is no God.” - Psalm 14: 1
Ito po ay isang halimbawa ng “Ad hominem” argument na hindi sinagot kung bakit may nagsasabi ng ganito proposisyon bagkus pa’y pepersonalin ang nagmumungkahi o “arguer”. Layunin ng mga ganitong uri ng salita na ihinto ang paguungkat ng kasagutan.
Ngunit kung mag-mumuni-muni po lang tayo, kahit mga “believers” ay di nag-kakaisa kung sino ang totoong diyos na dapat paniwalaan. Ayon sa mga editors of the “World Christian Encyclopedia:
A comparative survey of churches and religions - CE 30 to 2200,” there are 19 major world religions which are subdivided into a total of 270 large religious groups, and many smaller ones. 34,000 separate Christian groups have been identified in the world. “Over half of them are independent churches that are not interested in linking with the big denominations.”
Ang issue naman ng pagbibintang na “Satanista” ang mga atheista ay isa nanamang problema ng pagiging ignorante at sa mga tinatawag na “pre-conceived ideas”.Dahil naniniwala ang mga mananampalataya na eksistido ang kanilang diyos, lahat ng magiging taliwas ditto ay isang kalaban o “adversary”.Ang mga atheista ay wala pong konsepto ng Satanas o demonyo.Ang atheista po ay nahahati sa “positive” at “negative” atheism.

“Positive at negative? Parang baterya pala ano.”
Hindi po. Negative atheist po ang tawag sa isang atheista na laging nag-nagtatanong kung mapapatunayan ng isang believer kung eksistido ang diyos. Sa ganitong senario, ang atheista ay walang papatunayan o wala sa kanya ang burden of proof.Sa positive atheism po naman, ang atheista ay may proposisyon na mag-papatunay na hindi eksistido ang diyos. Mayroon na rin syan “burden of proof”.

Sana po ay nasagot ko ang basic ng atheism sa simplem pag-papaliwanag. Sa mga susunod na article ay tatalakayin ko pa po ang ibang issues.
Paalam muna.

John P.

~ by pinoyatheist on February 11, 2006.

4 Responses to “Atheista Ka???”

  1. xrumer is the perfect program for advertisement!
    It’s have CAPTCHA recognizer, email verificator, and a lot of other functions…

    But. I forgot link to it :(

    Can you give me link to the xrumer description? screenshots, etc.

    Thank you

  2. Good morning!

    On what a cursor functions this forum works? We with the friend we want to to create WWW site about science fiction writers and to make for a Web project a this a cursor.

    How to do search necessary?

    To me it is necessary to find http://auto.townusasite.com/auto-tradder.html
    but I do not know as to find.

    I require your help.

  3. Hi all!
    NICE SITE!
    GOOGLE
    Bye

  4. Velvet Deer Antler has long been known and used in traditional Oriental medicine as a powerful stimulant of sexual desire and stamina and general physical performance.
    Visit official website: drug enhancement male sexual

Leave a Reply